Nanira ng streamer ni Cory, arestado

MANILA, Philippines - Naaresto na ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang sinasabing res­pon­sable sa paninira ng  may 20 streamers nina dating Pang. Cory Aquino at ng kabiyak nitong si Ninoy sa P. Burgos St. sa Maynila.

Si Severino Reyes, 43, ng #1992-A Singa­long St., Malate, Manila ay dinakip kaha­pon ng madaling-araw sa kahabaan ng Roxas Blvd.  at panu­lukan ng UN Ave., sa harapan mismo ng US Embassy.

Nabatid na si Re­yes ay miyembro ng OYSTER o taga-linis sa mga lansa­ngan. Isang stepped-up patrol ang itinalaga sa nasabing lugar upang bantayan ang gina­gawang pani­nira sa mga streamer ng da­ting Pangulo at ka­biyak nito na nag­re­sulta naman ng pag­ka­kaaresto kay Reyes makaraang ma­ispatan itong maninira muli sa Roxas Blvd.

Nagtangka pang tumakas si Reyes su­balit agad din itong masakote ng pulisya.

Show comments