Iskolar ni Joy umabot sa 436

MANILA, Philippines -  Umaabot sa may 436 indibidwal ang is­kolar ng Quezon City Performing Arts Deve­lopment Founda­tion Inc. na naglalayong mahasa pa ang kaalaman sa sining ng mga residente ng lunsod at tutulong sa pag-aangat sa kanilang kabuhayan at sa komu­nidad.

Ang naturang foun­da­tion ay patuloy pa ring pinangangasiwaan ni Joy Belmonte na kandi­da­tong vice mayor ng Liberal Party sa Quezon City.

Ang mga scholars ng QCPADFI ay kinabibila­ngan ng 341 estudyante sa pagsasayaw, 45 sa pag­kanta, 15 sa theater, 35 sa guitar at Filipino Ethic at 35 sa instru­mento.

Bunsod ng natata­nging pagtulong ng foun­dation sa mga mahihirap pero nais matuto at ma­linang nang husto ang talento sa sining, tu­manggap na ng mga pagkilala at awards ang QCPADFI. Kabilang dito ang Dance Com­pany (Classical and Con­tempo­rary)-Aliw Awards (2007), Gawad Alab ng Haraya-Best Choreo­graphy “Tam­bol at Pad­yak” by Tony Fabell-National Commis­sion for Culture and the Arts (2002) at Most Out­standing Artistic Perform­ing Group-Da­ngal ng Filipino and Consumers’ Choice-Annual Awards. (Angie dela Cruz)

Show comments