Naaagnas na bangkay natagpuan sa creek

MANILA, Philippines - Isang naaagnas na bangkay ng hindi pa naki­kila­lang lalake ang lumutang sa creek sa isang barangay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Isinalarawan ang biktima sa edad na 30-40, balingkinitan, nakahubad, nakasuot ng short pants.

Ayon sa ulat, ang biktima ay natagpuang naka­subsob sa may Dario Creek sa Brgy. Bahay Toro sa lungsod pasado alas-12 ng tanghali.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad may nakitang sugat sa ulo ang biktima, ngunit hindi naman sinabi kung ito ang sanhi ng kanyang pagkamatay habang hini­hintay pa ang ginawang awtopsiya sa katawan nito. (Ricky Tulipat)

Show comments