Totoy todas sa tumilapong gulong

MANILA, Philippines - Patay ang isang 13-anyos na batang cigarette vendor nang mahagip ng natanggal na gulong ng truck habang ang una ay nagpapahinga sa hara­pan ng isang tindahan sa Valenzuela City kama­kalawa ng gabi.

Patay na nang idating sa Valenzuela General Hospital sanhi ng pinsala sa katawan ang biktimang si Limwell Odad, nakatira sa Bagong Kaunlaran, Paso de Blas ng lungsod na ito.

Sumuko naman sa mga pulis ang tsuper na si Joan Viray, 30, ng Kadima, Letre, Malabon City.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-11:45 ng gabi sa Paso de Blas ng nabanggit na siyudad habang minama­neho ng suspek ang isang Isuzu Elf Truck (RFJ-116) nang biglang matanggal ang kanang hulihan gulong ng truck nito. Tumilapon ang gulong sa biktima na naka­upo sa harap ng Baliwag Lechon ng nasabing lugar, dahil dito ay agad na dinala ang biktima sa naturang pagamutan, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Show comments