Kelot Bumagsak sa pasada

MANILA, Philippines - Bumagsak at tuluyang nasawi ang isang 55 anyos na pedicab driver habang nagmamaneho ng side car upang ihatid ang isang pasa­hero sa Sta Ana, Maynila kahapon ng umaga.

Isinugod ng mga kapwa pedicab driver sa Sta. Ana Health Center ang biktimang si Ramon Mercader, binata ng 2130 Revillan St., Sta. Ana subalit hindi na ito umabot ng buhay doon.

Sinasabing paalis na ang biktima lulan ng kanyang sidecar mula sa pilahan sa kanto ng C.M. Recto Avenue at Zuter Streets, Sta. Ana para ihatid ang isang pasa­hero nang bigla siyang tu­mumba at nawalan ng ulirat.

Naniniwala ang ilang kasamahan na may sakit ang biktima na hindi naman ipinaalam sa kanila at big­laang umatake kaya ‘bumi­gay’ din ito kahapon. (Ludy Bermudo)

Show comments