Kelot todas sa 10-wheeler

MANILA, Philippines - Luwa ang utak sa bungo ng isang 26-anyos na lalaki nang magulungan ang ulo niya ng huling gulong ng ten- wheeler truck, matapos na salpukin ang kanyang motor­siklo, sa Sampa­loc, Maynila, kahapon ng ma­daling-araw.

Dead-on-the-spot ang bik­timang si Joel Santiago, bi­nata ng A. Maceda St., Sam­paloc, Maynila. Hawak naman ng Manila Police District (MPD)-Traffic Bureau (TB) ang suspek na si Rolly Tumimbang, 36, driver ng 10-wheeler truck at re­si­dente ng Brgy. Tugas, Baliuag Bulacan.

Ayon sa report, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang ma­ganap ang insidente sa pa­nulukan ng Maceda at Makiling Sts., Sampaloc.

Nabatid na pa-south­bound ang nasabing truck nang ma­sal­pok ang biktima. Nang tumum­ba ang biktima ay nagulungan pa ito ng huli­hang gulong ng truck na sanhi ng agaran nitong kamatayan. Nabatid na wala umanong suot na helmet ang biktima. (Ludy Bermudo)

Show comments