Mister pinatay ng manliligaw ni misis

MANILA, Philippines - Love Triangle!

Ito umano ang ugat ng pamamaril at pagpatay ng isang maton sa isang electri­cian sa Kanlaon St., Barangay Payatas, Quezon City kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Nestor Miguel, 50, ng Kan­ laon St., Phase 3, Group 2, Pa­yatas. Mabilis namang tumakas at ngayon ay tugis na ng mga awtoridad ang suspek na si Marianito Tordisillo, alyas Batang, at residente sa Road 2, Area B, Madjatas St., Brgy. Payatas B.

Nauna rito, nanonood ng telebisyon ang biktima sa loob ng kanyang tahanan nang ma­puna nito ang suspek na nakatayo sa harap ng ka­nilang sari-sari store.

Ilang sandali, nagpasya ang suspek na umalis kung saan sikreto namang sinun­dan ito ng biktima.

Pagsapit sa isang lugar at mapuna ng suspek na sinu­sundan siya ng bitktima ay agad na binunot nito ang kanyang baril at pinagbabaril ang huli na agad na ikina­matay nito.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng awtoridad na matagal na umanong alam ng biktima na nililigawan ng suspek ang kan­yang asawa kaya ganoon na lamang ang pagnanasa nito na alamin kung tutuo ito ngunit nahalata siya nito. (Ricky Tulipat)

Show comments