Kaugnay sa Batasan Bombing: Pag-aresto kay Salappudin, giit ng DOJ

MANILA, Philippines - Hiniling kahapon ng De­part­­ment of Justice (DOJ) sa Que­zon City Regional Trial Court (RTC) na magpalabas ng warrant of arrest laban sa umano’y utak ng Batasan bomb­­ing na si dating Con­gress­­man Gerry Salappudin.

Base sa kahilingan ni Senior State Prosecutor Peter Ong, na wala siyang naki­kitang sagabal upang ipag-utos ni QCRTC Branch 83 Judge Ralph Lee ang pag- aresto kay Salappudin ka­ugnay sa pambo­bomba sa Batasan complex noong Nob­yembre 20, 2007.

Matatandaan na una nang binawi ng QCRTC ang war­rant of arrest na kanilang ipinalabas noong nakaraan taon dahil sa umano’y may naka­bimbin na “findings” si dating Justice Sec­retary Raul Gonzalez na hindi kasama ang dating kongresista.

Subalit inapela nila ang kaso sa Court of Appeals (CA) na kumu­kuwestiyon sa ka­utusan ni Gonzalez. Dahil dito kayat ini­utos ng CA noong Agosto 2008 na isama si Sa­lappudin bilang res­pondent sa kaso.

Magugunita na anim katao ang namatay sa Batasan bombing kabilang dito si Basilan Rep. Wahab Akbar, namatay din sina Julasiri Niki Hu­yu­dini, staff nito, Marcial Taldo, driver ng Gabriela Re­pre­sentative Luzviminda Ila­gan; Vercita Garcia; Dennis Manila at Maan Gale Busta­lino, pa­wang mga staff ni Negros Oriental Repre­senta­tive Henry Pryde Teves.

Na­su­gatan din sina Teves at Ilagan at 10 iba pang em­ple­yado ng House of Repre­sen­tatives.

Kinatigan naman ng CA Third Division ang petisyon ng biyuda ni Akbar, na si Basilan Governor Jum Akbar na ipa­walang-saysay at isantabi ang naunang reso­lusyon ni Gon­za­­lez na alisin bilang res­pondent si Sa­lappudin base sa supple­mental findings ni Chief State Prosecutor Joven­cito Zuño. (Gemma Amargo-Garcia at Ludy Bermudo)

Show comments