Bangkay ng lalaki, kuha sa tambak ng basura

MANILA, Philippines - Nakasama sa mga tam­bak ng basura ang bangkay ng hindi pa nakikilalang lala­king naaagnas nang matag­puan sa ilalim ng tulay sa Malabon City kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na may taas na 5’6”, naka-fatigue na short at stripe na t-shirt. Lumalabas sa report ng pulisya, alas-10 ng umaga habang nagtatanggal ng mga basura ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways sa ilalim ng tulay ng Lambi­ngan, Brgy. Concepcion ng lungsod na ito nang tumambad sa kanila ang bangkay ng lalaki.

Lumalabas na may sugat sa ulo ang biktima na dinala na sa Nate Funeral Homes. Patuloy pa ring iniimbesti­ga­han ng pulisya ang insidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments