Welder hulog mula 20th floor, lasog

MANILA, Philippines - Patay matapos mabasag ang bungo at magkalasug-lasog ang katawan ng isang 20-anyos na welder nang mahulog mula sa ika-20 palapag ng 35-palapag ng itina­ayong gusali, kahapon ng hapon sa Binondo, Maynila.

Ayon sa ulat, nakilala ang nasawing biktima na si   Rogelio Anhao, ng Area 4, Florentina St., Gulod, Nova­liches, Quezon City.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas-2:00 ng hapon nang mahulog ang biktima habang nagkakabit ng deflector screen sa 20th floor ng Citi Place Tower, Meisic St., Binondo, Maynila.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang MPD-Homicide Section upang alamin kung nakatugon sa itinatakdang safety measures ang construction firm, kung nakasuot ng safety gears ang biktima o may foul play sa kaso. (Ludy Bermudo)

Show comments