3 holdaper sa C-5, tiklo

MANILA, Philippines - Natimbog na rin ng pu­lisya ang tatlong notor­yus na holdaper na nam­bi­biktima ng mga Indian nationals na nagpapa­hu­lugan at sangkot sa pam­babato ng mga sa­sakyan para makapang­holdap sa C-5 Road, Taguig City.

Nakilala ang mga na­dakip na sina Jerry Olan­dria, alyas Jerry Bungo, 34-anyos; Archie Angcay, alyas Richie, 24, kapwa ng Mar­celino Compound, Brgy. Calzada, Tipas, Ta­guig at Sonny Alvarez, 30, ng Palar Village, Brgy. Ususan, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, na­sakote ang tatlong sus­pek kamakalawa ng hapon sa may Commando, C-5 Road.

Nasabat ang mga sus­pek makaraang masita ang mga ito ng mga nag­pa­patrulyang pulis ngunit nagtangkang tumakas.

Nakumpiska sa poses­yon nina Olandria at Al­varez ang dalawang ka­libre .38 baril at mga bala habang isang bali­song naman ang nakuha kay Angcay.

Sa background check, lumalabas na sangkot ang mga suspek sa serye ng holdap kung saan pinaka­huli ang pambibiktima kay Peter Singh sa may Palar Village, Taguig. 

Nabatid pa sa ulat na ang mga suspek umano ang may kagagawan ng mga pam­babato ng mga sa­sakyan sa mga madi­dilim na bahagi ng C-5 Road upang maholdap ang driver at mga pasa­hero ng mga sasak­yang hihinto upang inspek­syunin ang kanilang sasak­yan (Danilo Garcia)

Show comments