Lider ng 'Pajarillo holdup gang', timbog

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang nabuwag na ng pulisya ang kilabot na “Pajarillo holdup and robbery gang” makaraang maaresto   ang lider ng naturang grupo habang binibiktima ng mga ito ang isang guro, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Kinilala ang suspect na si Robert Pajarillo, 34, at resi­dente ng   P. Mejia St., Libis Quezon City.

Kasalukuyan namang pi­naghahanap pa ang dala­wang mga kasamahan ni Pa­jarillo na nagawang maka­takas gamit ang isang motorsiklo.

Batay sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nang unang bikti­mahin ng grupo ng sus­pect si Lourdes Antenor, 33, guro ng SSS Village, Brgy. Con­cepcion Dos, Marikina City.

Nabatid na kasalukuyang naglalakad ang biktima pa­pasok sa gate ng kanyang bahay nang biglang sumulpot ang grupo ni Pajarillo saka sinunggaban ang una sabay tutok ng patalim sa leeg nito.

Habang nakatutok ang patalim ay sapilitang inagaw ng mga suspect ang bag ng biktima na naglalaman ng isang Nokia N70 cellular phone na nagkakahalaga ng P17,500; isang Alexander Cristy brand na relo na nag­kakahalaga ng P8,000; cash money na tinatayang nasa P9,000 at iba pang personal na kagamitan ng huli.

Sa kabila nito ay nanla­ban naman ang biktima at nagsi­sigaw para makahingi ng tulong. Ang naturang senaryo ay nadaanan naman ng mga nag­papatrulyang mga ka­gawad ng Marikina City Po­lice Station dahilan upang ma­aresto si Pajarillo, bagama’t nagawa namang makatakas ng mga kasamahan nito. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments