Dalaga iniwan ng kinakasama, nagbigti

MANILA, Philippines - Isang 34-anyos na dalaga ang nagpatiwakal matapos itong ma-depress nang iwan at hiwalayan ng kanyang kina­kasama kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Kinilala ang nasawi na si Marilou Buenaventura, ng Bagong Sibol St., Brgy. 28, ng nabanggit na lungsod.

Sa inisyal na imbestigas­yon ni PO2 Joselito Barredo, ng Station Investigation Divi­sion, Caloocan City Police, dakong alas-8:50 ng umaga nang matagpuan ang biktima na nakabigti at wala nang buhay sa loob ng comfort room ng kanilang bahay gamit ang electric cord.

Sa nakalap na impormas­yon ng pulisya sa mga kaanak ng biktima, nabatid na simula nang iwan at hiwa­ layan ang biktima ng kan­yang live-in partner na hindi na nabanggit   ang pangalan, lagi itong tulala, malungkot at wala sa kanyang sarili. (Lordeth Bonilla)

Show comments