Mister iniwan ni misis, nagbigti

MANILA, Philippines - Dahil sa matinding kalungkutan matapos hiwalayan at iwanan ng kanyang misis, isang mister ang nagpa­tiwakal kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.

Nakilala ang nasawi na si Biteriano Cortez, 40, fish vendor at nakatira sa   Sili st., Evergreen Homes, Tramo, Brgy. Pulang Lupa 1, ng nabanggit na lungsod matapos itong magbigti ng nylon cord.

Ayon sa anak na lalaki ng biktima, na si Dexto Mercado, alas-12 ng tanghali nang pumasok ang kan­yang ama sa kuwarto at gabi na nang matuklasan na nakabigti ito. Nakuha sa tabi ng bangkay ng biktima ang isang suicide note na naka-address sa misis nitong si Amy at sa isang pastor.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, depression ang da­hi­lan nang pagpapakamatay ng biktima simula nang hi­wa­layan at iwanan ito ng kanyang misis. (Lordeth Bonilla)

Show comments