Nilaslas ang leeg, binasag ang bungo: Trader natagpuang patay sa loob ng kotse

MANILA, Philippines - Laslas ang leeg at ba­sag ang bungo nang ma­tagpuan ang isang negos­yante sa loob ng kanyang kotse kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

 Nakilala ang biktima na si Antonio Tan Jr., ng Ra­mi­rez St., Galas, Quezon City.

Samantala, blanko pa ang pulisya sa killer ni Tan at kung ano ang posibleng motibo sa pagpaslang dito.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 ng umaga nang mapansin ng ilang residente ang   Toyota Vios, (XKS-838) na ma­tagal nang nakaparada sa gilid ng MacArthur Highway, Brgy. Marulas ng lungsod na ito na naging dahilan upang lapitan at silipin nila ang loob.

Dito nila nakita ang bik­tima na nakabalot ng kumot at duguan sa back­seat ng sasakyan na naging dahilan upang itawag ng mga re­ sidente sa pulis.

Lumalabas na laslas ang leeg ng biktima, basag ang bungo at nakatali ang bangkay ng biktima nang makuha ito sa loob ng sa­sakyan.

Masusing iniimbesti­gahan ng mga pulis ang nasabing insidente.

Show comments