Pink fences ng MMDA inararo ng Ambassador ng Venezuela

MANILA, Philippines – Nawasak ang mga ba­ kod o pink fences at bakal na poste na inilagay ng MMDA sa isang bus stop sa Magallanes Inter­change nang suyurin ng isang humaharurot na kot­seng minamaneho ng isang ambassador kaha­pon ng madaling-araw sa Makati City.

Bahagyang nasugatan si Republic of Venezuela Ambassador Manuel Perez­ Iturbe, dahil sa bilis ng takbo nang minama­neho nitong BMW na ma’y diplo­mat plate number DC-1000.

Nabatid na tumaob at nabasag ang mga salamin ng sasakyan nang salpu­kin ang mga bakod at bakal na posteng pinagla­lag­yan ng anunsiyo ng MMDA sa mismong bus stop sa EDSA Magallanes na sakop ng Brgy. San Lo­renzo sa naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat, na­batid na binabaybay ni Iturbe ang kahabaan ng EDSA patungong Magalla­nes mula Ayala dakong alas-12:45 ng madaling- araw, nang bigla umanong gitgitin ng isa pang kotse kaya’t napakabig ito sa gawing kanan hanggang suyurin ang poste at pink fences sa bus stop. (Lordeth Bonilla)


Show comments