1 patay, 1 kritikal, 2 maid inatado ng bading

MANILA, Philippines – Isang kasambahay ang nasawi, habang isa pa nitong kasama­han ang nasa kritikal na kondisyon matapos tadtarin ng saksak ng isang bading at isa pang di-nakilalang lalaki kahapon ng madaling-araw sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Evangeline Ventura, 40-45 anyos, habang kritikal naman si Teresita Mantal, kapwa stay-in helper sa pamilya Malibiran sa Unit 305 C. E. Chong Condominium, #2208 Oroquieta St., Sta Cruz, Maynila, sanhi ng mga saksak sa kata­wan. Tinutugis naman ang mga suspek na sina Nelson Barto­lome, alyas “Joyce”, bading at residente ng Tondo, Maynila at isang di-nakilalang lalaki .

Ayon sa ulat, naganap ang insidente sa pagitan ng alas-2:38 hanggang alas-3:20 ng madaling-araw sa loob ng Unit 305 C.E. Chong Condominium, nang dumating umano ang mga suspek at nagpaalam na may ipinakukuha ang negosyanteng si Melissa Malibaran, 35, amo ng mga biktima.

Nagawang makapasok ng mga suspect sa unit ng mga biktima nang sumalisi ang mga ito sa nagbabantay na guwardiya. Tina­tayang aabot sa P.5 milyong halaga ng alahas at isang baril ang tina­­ngay ng mga suspect. Malaki ang hinala ng pulisya na nan­laban ang mga biktima dahil sa tadtad na saksak na kanilang tinamo.


Show comments