Barker lasog sa bus

MANILA, Philippines – Lasog ang katawan ng isang 39-anyos na barker   matapos na masagasaan ito ng isang rumaragasang bus habang lasing na tu­matawid sa Common­wealth Ave., Quezon City, iniulat kahapon.

Si Fernando Miyaco,   ay binawian ng buhay dakong alas-12 ng hating­gabi habang nakaratay sa Fairview General Hospital dahil sa sinapit nitong in­ternal hemmorhage.

Sumuko naman agad ang driver na si Jesus Fernan, 46, ng Jell Trans­port (TXU-921).

Ayon pa sa ulat, dakong alas-9 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa tapat ng Halamanan Vil­lage, Brgy. Common­wealth, Quezon City. Galing uma­no sa inuman ang biktima at papatawid sa nasabing lugar nang bigla na lamang sumulpot ang rumaraga­sang Jell Transport at na­hagip ang biktima. (Ricky Tulipat)


Show comments