Mga puno, poste nagbagsakan, 20 kabahayan hinawi ng buhawi sa Quezon City

MANILA, Philippines – Dalawampung kabaha­yan, isang poste at mga puno ang nawasak matapos na umatake ang isang dambuha­lang buhawi habang nasa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan kahapon ng umaga sa lungsod Quezon.

Ayon sa ulat, halos wala nang mapapakinabangan sa mga naapektuhang kabaha­yan na matatagpuan sa Brgy. Cruz na Ligas, Maginhawa St., UP Diliman sa lungsod ma­tapos na madaganan ang mga ito ng nagbagsakang mga puno.

Dahil pawang mga gawa lamang sa light materilas ang mga kabahayan ay agad na nagkasira-sira ang mga ito bunga ng pagkakabagsak ng puno at malakas na hangin dala ng buhawi.

Nagdulot naman ng per­wisyo sa kahabaan ng Carlos P. Garcia St., sa nasabi ring lugar ang isang kongkretong poste ng Meralco, gayundin ang dalawang poste pa sa may Maginhawa St., UP Vil­lage matapos na bumalandra ang mga ito sa kalye.

Nabatid na alas-9 ng umaga nang atakehin ang na­sabing kabahayan ng nasa­bing buhawi kung saan nagsi­mula umano ito sa pamu­mumuo ng makapal at maitim na ulap.

Ayon sa mga saksi, isang maitim na korteng imbudong ulap ang nakita nilang namuo sa kalangitan malapit sa ka­nilang lugar hanggang sa mabilis na rumaragasa sa nasabing mga kabahayan na may malakas na ihip ng hangin.

Sinasabing tumagal ng halos 10 segundo ang pagra­gasa ng nasabing buhawi at nang matigil ay saka lamang nakita ang nasirang mga kabahayan at nagbagsakang mga puno at poste.

Kaugnay nito, ilang mga ahensya ng gobyerno ang naperwisyo bunga ng pagka­wala ng suplay ng kuryente dala na rin ng pagbagsak ng mga poste sa nasabing lugar.

Samantala, nilinaw naman ni Nataniel Cruz, ng Pag-Asa, kahit hindi tag-ulan basta mayroong pagkulog at pag­kidlat na nararanasan ay may posibilidad na magkaroon ng tornedo o buhawi.

Ayon pa kay Cruz, ang ganitong sitwasyon ay hindi dapat balewalain ng mga mamamayan dahil basta may­roong makikitang ma­kapal at maitim na ulap ka­sabay ng pagkulog at pag­kidlat ay posibleng magka­roon ng buhawi.

Show comments