2 bebot timbog sa itinapong fetus

MANILA, Philippines – Dalawang babae ang naaresto ng mga awtoridad matapos maaktuhan ang mga ito na nagtatapon ng isang fetus ng lalaki sa gilid ng isang simbahan sa Tondo, Maynila kamaka­lawa.

Kinilala ang mga suspek na kasalukuyang nakapiit sa Integrated Jail ng Manila Police District na sina Lourdes Felipe, 26-anyos, ng 125 Sangandaan, Ca­loocan City; at Theresita Rasadaz, 38, vendor, ng Fugoso St., Rizal Avenue Sta. Cruz Manila. 

Lumalabas sa imbesti­gas­yon ni Det.Edgardo Kho ng Manila Police-District-Homicide Section na dakong alas-3:45 ng hapon nang maaresto ang mga suspek sa tapat ng Sto. Niño Parish Church ma­tapos na itapon ang isang lalaking fetus na nakalagay sa plastic at tinatayang nasa anim na buwan.  

Ayon sa pulisya, inutu­san umano ni Rasadaz si Felipe na itapon ang na­turang fetus subalit nakita ng isang nagngangalang “Tess” ang dalawa na siyang nagtapon nito kaya kaagad itong nagsumbong sa mga opisyal ng ba­rangay na siya namang nagsumbong sa pulisya.    Kinasuhan ng intentional abortion ang dalawa sa Manila Prosecutor’s Office. (Gemma Amargo-Garcia)


Show comments