Dalaga binareta, minaso sa ulo

MANILA, Philippines - Halos madurog ang ulo ng isang 27-anyos na dalaga ma­tapos itong paghahatawin ng bareta at maso ng hindi pa naki­kilalang mga suspek sa Ca­loocan City kamakalawa ng gabi. Wala ng buhay nang ma­kita ang biktimang si Catherine Sarabia, ng Phase 5, Bagong Silang ng lungsod na ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, alas-9:45 ng gabi, umuwi ang tiyahin ng biktima na si Elena Puso at nang pasukin ang kuwarto ni Sarabia ay na­kita na nitong nakabulagta ito at halos madurog ang ulo.

Nakita sa kuwarto ng bik­tima ang bareta at maso na hini­hinalang ginamit ng mga sus­pek. Wala naman nawawala sa mga gamit ng biktima kung saan nag­ sasagawa na ng fol­low-up ope­ration ang mga pulis upang malaman ang motibo ng na­sa­bing insidente. (Lordeth Bonilla)

Show comments