^

Metro

Binata tinodas habang natutulog

-

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang binata na umano’y sangkot sa serye ng panghoholdap matapos pasukin saka pagbabarilin ng apat na armadong kalalakihan na nakasuot ng bonnet sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ang biktima na nagtamo ng hindi mabilang na tama ng bala ng baril sa dibdib ay kinilalang si Ryan Nicor, 24, ng Kalayaan B- Batasan Hills ng nabanggit na   lungsod.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may loob mismo ng bahay ng biktima habang ito ay nagsi-siyesta dakong alas-11 ng umaga.

Diumano, bigla na lamang pinasok ng mga suspek ang biktima at saka walang habas na pinagbabaril, bago mabilis na nagsipagtakas.

Ayon sa report, ang nasawi   ay dating sangkot sa kaso ng panghoholdap at maaaring ang mga suspek ay ang mga nakabangga nito kung kaya siya binuweltahan.

Ayon naman sa mga residente, sakit umano ng ulo sa kanilang lugar ang biktima dahil sa trabaho nitong pagiging holdaper. Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente. (Ricky Tulipat)


AYON

BATASAN HILLS

BIKTIMA

DIUMANO

KALAYAAN B

PATULOY

QUEZON

RICKY TULIPAT

RYAN NICOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with