2 kelot patay sa saksakan

MANILA, Philippines - Isang lalaki ang nasawi makaraang makipagduwelo ng patalim sa kinakasama ng dati niyang live-in partner sa Malabon City habang isa pa ang nasawi sa isa na­mang inuman sa Caloocan City kamakalawa.

Nakilala ang mga nasawi na sina Domingo Dioneda, 34, ng Flovihomes, Paradise Village, Tonsuya, Malabon; at Raffy Mendoza, 24-anyos, ng Dagat-Dagatan, Caloocan.

Dakong ala-1:00 ng hapon nang magsalubong sina Dioneda at ang suspek na si Gregorio Junique sa kanilang lugar kung saan nagkahamunan ang mga ito. Dito kapwa naglabas ng pa­talim ang dalawa at nag­duwelo kung saan mas ma­lubhang napuruhan ng sak­sak si Dioneda.

Hindi na umabot ng buhay sa Pagamutan ng Lung­sod ng Malabon si Dioneda habang mabilis namang tumakas agad si Junique. 

Sinasabing iniwan si Dioneda ng karelasyon niyang babae para sumama kay Junique na mas bata sa kanya.

Dakong alas-10:30 na­man kamakalawa ng gabi nang mapaslang si Men­doza habang nakikipag-inu­man sa mga kaptibahay sa may Dagat-Dagatan. Bigla umanong sumulpot ang suspek at pinagsasaksak ang biktima. (Danilo Garcia)

Show comments