Nakaw na alahas isinangla ng maid
MANILA, Philippines - Arestado ang isang katulong nang nakawin at isanla ang mga alahas ng kanyang amo na nagkakahalaga ng mahigit sa P.1 million sa Malabon City kamakalawa.
Nahaharap sa kasong qualified theft si Joan Baquer, 24, stay-in maid sa Block 8, Phase 2, Barangay Longos ng lungsod na ito.
Sa pahayag ng among si Diosdado Mongaya, 75, ng nasabing lugar, alas-3:00 ng hapon nang malaman niya na nawawala na ang kanyang mga alahas na aabot sa halagang P117,000.
Kinompronta nito ang suspek na umamin naman at pinakita pa ang mga papel de ahensiya ng mga alahas. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending