Biniro si kamatayan natuluyan

MANILA, Philippines - Isang lasenggerong lolo ang natuluyang ma­bigti ng kanyang lubid na itinali sa leeg makara­ang  malasing nang todo ha­bang nagbi­biro na magpa­pakamatay kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Da­kong alas-5 ng hapon nang matagpuan ng kanyang pa­mangking si Edwin ang bangkay ng biktimang si   Rodolfo Abuya, 61, binata.

Sa imbestigasyon, bago umano matagpuan ang bangkay, nakita pa ng kan­yang kapitbahay na kinila­lang si “Rosa” na may na­ka­taling lubid sa leeg ng bik­tima habang umiinom ng beer.

Pabiro pa umano nitong sinasabi na “Mag­pa­­paka­matay na ako, hindi ko na kayo mababa­yaran.” Duda ng imbes­tigador, nang malasing na ang bik­tima ay hindi na nito na­pan­sin na ang itinaling lubid sa kisame ay hindi niya na­tanggal at nang makatulog ay nabigti ito nang hindi naman inten­siyon, bagkus ay nagbibiro lamang.

Nakita rin ni Norberto Abuda, kapatid ng biktima, na umaga pa lamang ay umi­inom na ng alak at normal na umano rito ang uminom ng alak araw-araw dahil walang pamilya at tra­baho, maliban sa pagtang­gap ng pensiyon mula sa Social Security System (SSS). (Ludy Bermudo)

Show comments