Maid na lumason sa amo nakatakas sa city jail

MANILA, Philippines - Posibleng umatake na naman ang isang ka­tulong na nanglalason at nagnanakaw sa napapa­su­kan nitong mga amo makaraang makatakas ito sa Manila City Jail noong Biyernes pa umano ng hapon.

Ito ang inihayag ka­hapon ni Manila Police Dis­trict-Station 1 Chief P/Supt. Nelson Yabut na nagsabing ikinasa na nila ang malawakang pag­tugis sa suspek na si Ana­mier Livrando na na­haharap sa mga kasong robbery, qualified theft at attempted murder.

Inaresto si Livrando noong nakaraang taon makaraang lasunin at nakawan niya ang pa­milya ng amo niyang Fili­pino-Chinese at isa pang kapwa katulong sa Bi­nondo, Manila.

Dumaan umano sa ki­same ng selda si Liv­rando hanggang sa tulu­yang makalabas ng piitan.

Agad na ring nakipag-ugnayan si Yabut sa Bureau of Jail Manage­ment and Penology upang kuwestiyunin ang naging kapabayaan ng mga bantay sa MCJ.

Agosto 2008 nang madakip si Livrando sa pinagtataguang bahay sa Quezon City. Pinani­ niwa­laang miyembro ng rob­bery group at isa umanong Rita Manabat ang lider ng gurpo na gumagamit ng modus operandi na mag-aaplay bilang katulong at lalasu­nin ang mga amo at iba pang katulong upang maospital bago sasalisi­han ng pagnanakaw.

Dahil dito, nagbabala si Yabut sa publiko na kila­tising mabuti ang ku­kuning katulong at ireport sa pulisya ang kakaibang ikinikilos at baka ma­tsam­bahan sila ni Livrando.

Show comments