Jobless na binata, nagbigti

MANILA, Philippines - Nagbigti ang 21-anyos na binata dahil sa pagkabigong makahanap ng trabaho ka­hapon ng hapon sa Tondo, Maynila.

Pinaniniwalaang sa pagi­tan ng alas-3 hanggang alas- 3:30 ng hapon nang magbigti si Catalino Saberon, ng #146 Area 8, Gate 19, Parola Com­pound,Tondo, Maynila sa bu­bungan ng kanyang inuupa­hang kuwarto.

Nabatid na huling na­kitang buhay ang biktima dakong alas-10 ng umaga na nakikipagkuwentuhan sa   kapitbahay pagkatapos ay nakita itong umakyat sa itaas ng bahay. Dakong alas-4:30 ng hapon nang matuklasan ang nakabigting biktima.

Nalaman na may isang taon nang nangungupahan ang biktima, pero hindi pa rin umano nakakahanap ng tra­ba­ho pang suporta sa kan­yang sarili. (Ludy Bermudo)

Show comments