Rapist ng bading tiklo

Inaresto ng pulisya ang binatang si Michael Tibayan, 32, dahil sa umano’y panggagahasa nito sa bading na si Reynaldo Santos noong Hulyo 13, 2007 sa isang bakanteng bahay sa Brgy. Longos, Malabon City. Bigla na lang hinila ni Tibayan ang biktima na noon ay 16-anyos lang. Inaresto ang una sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Emmanuel Laurea ng Malabon Regional Trial Court Branch 169. (Lordeth Bonilla)

Bombay hinoldap

Tinangay ng suspek na nakilala lang sa alyas na Ronald ang koleksiyon ng bombay na si Sunny Sing dakong alas 10-ng umaga kahapon habang ito ay naniningil ng mga pautang sa palengke sa Navotas City. Sinalubong ng suspek at ng mga kasamahan nito ang biktima at tinutukan ng patalim saka tinangay ang pera at cellphone nito. Pinagha­hanap ng pulisya ang mga suspek. (Lordeth Bonilla)

Show comments