Dalagita sa ilog kilala na

Humarap sa Manila Police District-Homicide Section ang pa­milya ng dalagitang na­tagpuang isa nang bangkay at lumulutang sa Ilog Pasig.

Luhaang kinilala ng pamilya ang biktima na si Princess Sarah Ang, 14-anyos, estud­yante ng Makati High School.

Sinabi ni Josie Ang, 49, ina ng biktima, na noong gabi ng Enero 20 nagpaalam ang kan­­yang anak na pu­punta sa nobyong ki­lala la­mang sa alyas “Khen Kenjie”.

Inabot na ng mada­ling-araw ay hindi pa umuuwi ang biktima kaya iniutos ni Josie sa panganay na anak nitong si Jeff Ray na tawagan si Khen.

Nagulat na lamang umano si Jeff Ray nang tawagan siya ng Makati High School at payu­hang magtungo sa MPD upang alamin kung ang hinahanap na kapatid ang nasa litra­tong bangkay na lumu­tang sa Pasig River kamakalawa.

Matatandaang da­kong alas-7 kama­ka­lawa ng umaga nang madiskubre ang bang­kay ng biktima na na­ka­lutang sa pagitan ng San Juan River at Pasig River sa Compound ng Custombuilt Hallow block Corp., Dalisay, Bacood, Sta Mesa, Maynila.

Sinabi pa ni Jeff Ray na nagdududa siya nang hindi umano sagutin ni Khen ang tawag niya sa cell­phone nito kahit nagri-ring umano at tuluyan nang hindi nakipag-ugnayan sa kanila.

Show comments