Isang hindi pa kilalang babae ang binaril sa ulo na ikinasawi nito, habang nakatayo sa isang kanto, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Ang biktima ay inilarawan lamang sa edad na 28-33, may taas na 5’2’’, nakasuot ng kulay itim na blusa at short pants na asul, may tattoo na korteng puso at pangalang “Lea” sa kanang bahagi ng dibdib (maselang parte).
Hindi pa rin natutukoy ng pulisya ang suspect na mabilis tumakas matapos ang pamamaril.
Sa ulat ni Det Jaime Gonzales ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 7:30 ng gabi, nakatayo sa panulukan ng Chesa at Magsaysay Sts., Tondo ang biktima, matapos bumili ng softdrinks sa tindahan ng isang Eduardo Baluyot, 58.
May bigla umanong lumapit na suspect habang nakatalikod ang biktima at barilin ito sa likurang bahagi ng ulo at mabilis na tumakas. (Ludy Bermudo)