Trader inambus bago ninakawan

Binaril hanggang sa mapatay saka kinuha ang pera ng isang negos­yante ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek habang ang una ay pa­pasok sa kanilang bakuran sa Valenzuela City kama­kalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa leeg at katawan si Antonio Ane, 46, ng Doña Mariana Subdivi­sion, Sitio Sulok, Ugong ng lungsod na ito.

Sa ulat ng pulisya, alas-11:30 ng gabi, pa­pasok sa kanilang baku­ran ang biktima nang sa­lu­bungin ng mga suspek at pag­babarilin. Nang bumulagta ang biktima ay kinuha ng mga suspek ang P50,000 cash sa wallet nito bago tumakas.

Inaalam na ng mga pulis kung pera ang tala­gang pakay ng mga sus­pek o may iba pang dahi­lan ang mga ito. Nagsa­sa­gawa pa ng follow-up operation ang mga pu­lisya laban sa mga sus­pek. (Lordeth Bonilla)

Show comments