Dalawang holdaper ang napatay samantalang isang guwardiya at tatlong sibilyan ang nasugatan nang magkabarilan ang mga masasamang-loob at ang isang pulis habang hinoholdap ang isang armored van ng Banco de Oro sa Navotas kahapon ng madaling-araw.
Agad na nasawi sanhi ng mga tama ng bala sa kata -wan ang dalawa sa mga holdaper na ang isa ay nakilalang si James Uy, 18, ng Justicia St., Marulas, Valenzuela City. Ang isa pang namatay na kasama nito ay may tattoo na “RMG” sa kanang kamay at “GRB” naman sa kaliwang kamay. Nakatakas ang mga kasamahan ng mga ito na aabot sa 20 kalalakihan na pawang arma-do ng mataas na kalibre ng baril at nakasuot ng brown camouflage.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala ng baril ang isang guwardiya ng banko na si Russel Cagunot.
Nasugatan din sa barilan si Gloria Collante, 41, fish vendor ng Rosario, Cavite at da lawang hindi pa nakikilalang lalaki.
Dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang unang pasukin ng mga suspek sakay ng dalawang Revo, isang Bighorn at isa pang sasakyan na hindi na nakuha ang mga plaka ang main gate ng PNOC Compound sa C-3, Navotas Fish Port ng lungsod at iginapos sa pamamagitan ng masking tape ang gwardiyang si Elpidio Mitra.
Agad na tumuloy ang mga suspek sa Frabelle Fishing Corporation sa nasabing lugar at doon nagsitambay kung saan alas-3:30 ng umaga ay dumating ang armored van ng Banco De Oro na sinasakyan ni Cagunot.
Nang makakuha ng pera mula sa Frabelle ang armored van ay naglabasan sa mga sasakyan ang mga suspek at agad na lumapit sabay tutok sa driver ng van.
Nagawang makipagba rilan ni Cagunot na tinulu-ngan naman ni PO1 Leonard Lepanto ng PACER, Camp Crame na naroon sa lugar nang maganap ang insidente.
Matapos ang ilang minu tong putukan ay nakita na lamang na duguang nakabulagta ang dalawang suspek, su gatan naman si Cagunot habang tinamaan naman ng ligaw na bala si Collante at dalawa pang biktima.
Agad na tumakas ang mga iba pang suspek tangay ang P211,892 halaga ng pera na nakuha ng mga ito mula sa armored van habang dinala naman ang mga sugatan sa TMC. (Rose Tamayo-Tesoro)