Poster ni Bayani binaboy

Nakalusot muli sa mga awtoridad ang mga mili­ tan­­teng miyembro ng Ka­li­pu­nan ng Damayang Ma­hi­hirap matapos pintu­rahan ang nagkalat na “tarpaulin posters” ni Metropolitan Manila Development Authority Chairman Bayani Fernando partiku­lar sa Quezon City.

Nakunan pa ng video ng isang television network kahapon ng mada­ling-araw ang pagpintura ng itim sa naglalakihang posters ni Fernando na nananawagan umano sa disiplina sa Metro Manila at maging ang bago nitong poster na bumabati dito sa pagkakapanalo sa isang “singing contest” sa tele­bisyon.

Partikular na tumutok ang grupo sa Commonwealth Avenue, EDSA, at Kamuning sa Quezon City. Pininturahan ng mga militante ng katagang “Berdugo” ang mukha ni Fernando.

Inirereklamo ng mga militante ang marahas na paraan ng “sidewalk clearing operations” sa mga vendors ng MMDA kung saan marami sa mga ma­hi­hirap na tindero ang na­sasaktan at lalong nawa­walan ng pag-asa mata­pos na tangayin ang ka­nilang mga paninda at pagnak­awan pa umano sila. (Danilo Garcia)

Show comments