Entrance fee sa CCM ibinasura ni Lim

Ibinasura kahapon ni Manila Mayor Alfredo Lim ang inaprubahang plano ng board of regents ng City College of Manila na sumingil ng entrance examination fee sa lahat ng estudyanteng gustong makapag-aral sa unibersidad.

Ayon sa alkalde, itinayo niya ang CCM para matulungan ang mga mahihirap kaya hindi sila dapat na kunan pa ng anumang buwis o bayarin.

Nakatakda sana ang paniningil ng CCM sa darating na summer kapag binuksan na ang unibersidad sa mga aplikante para sa School Year 2009-2010. (Doris Franche)

Show comments