P10-M tupok sa Valenzuela fire

Tinatayang aabot sa P10 million halaga ng ari-arian ang natupok ng apoy matapos na masunog ang isang warehouse ng butones sa Valenzuela City kahapon ng umaga.

Sa ulat, alas-5:50 ng umaga nang masunog ang Booton Warehouse, sister company ng Lion Chen Inc. na pag-aari ng isang Delia Imperial, na matatagpuan sa Que Grande St., Ugong ng lungsod na ito.

Tumagal ng dalawang oras ang sunog bago ito naapula kung saan inaalam pa kung ano ang dahilan. 

Wala naman naiulat na nasawi o nasugatan sa nasabing sunog. (Lordeth Bonilla)

Show comments