Pina-ebak na, nanaksak pa

Sa halip na pasasa­la­mat, saksak sa katawan ang natamo ng isang 45-an­yos na lalaki nang pag­sabihan nito ang kapit­ba­hay na pinayagan niyang makigamit ng banyo at hindi magbuhos matapos dumumi, sa Tondo, May­nila kamakalawa ng gabi.

Bumagsak sa Gat An­dres Bonifacio Hospital ang biktimang si Rolando Castro, ng Panday Pira St., Velasquez, Tondo ma­tapos magtamo ng saksak ng ice pick sa dibdib.

Hinahanting na ng pu­lisya ang suspect na kini­lala lamang sa alyas na Dabu, pedicab driver at kapit­bahay ng biktima na tumakas matapos ang pananaksak.

Ayon sa   ulat, dakong alas-9 ng gabi nang ma­ganap ang insidente sa ha­rapan ng bahay ng biktima.

Bago ang insidente, nakita ng biktima ang sus­pect na namimilipit na sa sakit ng tiyan at hindi na aabot sa kanilang bahay kaya pinayagan niya uma­nong makigamit ng kan­yang kubeta.

Nang papalabas na ang suspect sa banyo ng bik­tima, mabilis inalam ng huli kung nagbuhos sa ini­ doro at nang matuklasan na hindi ay sinita ito ng bik­tima. Sa halip na humi­ngi ng pa­sensiya, nairita ang sus­pect na nauwi sa pagta­talo at hu­mugot ang huli ng ice pick at inun­da­yan sa dibdib ang biktima. (Ludy Bermudo)

Show comments