Lolo itinumba

Isang 67-anyos na lolo ang nasawi nang barilin sa loob ng kanyang tahanan ng isang hindi naki­kilalang suspek habang siya ay nagpapahinga sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktimang si Jose Galvan ng #123 Sta. Cruz Compound, Bagumbong ng nabanggit na lungsod. Nagpapahinga si Galvan sa loob ng bahay nang bigla na lamang dumating ang salarin at walang sabi-sabing pinaputukan ang matanda na kaagad na ikinasawi nito. (Lordeth Bonilla)

Show comments