Chief of police ng Taguig, pinalitan

May bago ng hepe ng pulisya sa Taguig City at ito ay kaugnay pa rin sa isina­sagawang balasahan sa PNP, partikular na ang mga over-staying na opisyal.

Itinalaga bilang bagong chief of police sa lungsod    si Sr. Supt. Camillo Pan­cra­­tius P. Cascolan kapalit ni Supt. Alfred Corpus.

Na­batid na si Corpus ay over-staying na sa pagi­ging chief of police ng na­turang lungsod matapos umabot ng mahigit sa da­lawang taong panu­nung­kulan. Sa­mantala, positibo naman ang pagtanggap ni Taguig City Mayor Freddie R. Tinga kay Cascolan. (Lor­deth Bonilla)

Show comments