Iniwan ng nobya, tumungga ng lason

Isang 18-anyos na binata ang nagpatiwakal sa pamamagitan ng paglagok ng silver cleaning solution sa loob mismo ng bahay nito sa Navotas City kamalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Roberto Quijano, ng Champaca St., Brgy. San Roque ng na­ bang­git na lungsod. Dakong alas-6:40 ng gabi nang ma­tag­puan ang biktima ng kanyang tiyuhin na si Bernard Quijano habang bumubula ang bibig nito sa loob ng kanilang tahanan sa naturang lugar. Sa inisyal na imbes­tigasyon ng mga awtoridad, nagpasyang waka­san ng biktima ang sariling buhay matapos nitong hindi makayanan ang ginawang pag-iwan sa kanya ng kanyang kasintahan. (Lordeth Bonilla)

Show comments