Binata 'binuriki' ng bayaw

Isang 23-anyos na binata ang napatay ng kanyang bayaw sa pa­ma­magitan nang pag­saksak dito ng buriki ng bigas kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang nakilalang si Tirso Mundang ng Gate 4 Area C, Parola Com­pound,Tondo, sanhi ng tinamong mga saksak sa dibdib. Mabilis namang tu­ma­kas ang suspect na bayaw na si Glen Sep­rado, 31, matapos ang isinagawang krimen.

Ayon sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa iskinita malapit sa bahay ng magbayaw.

Nabatid na dahil sa madalas na paglalasing at panggugulo ng bik­tima. Kamakalawa ay mu­ling nagwala ang biktima dahil sa lasing ay nagha­hamon ng away.

Dahil sa nakikitira lamang ito sa suspect at sinaway ito ng huli subalit imbes na makinig ay inangasan pa ang bayaw na ikinagalit ng huli.

Nauwi sa mainit na komprontasyon ang pag­tatalo ng dalawa hang­gang sa pagsasaksakin ng suspect ang biktima na naging sanhi ng aga­ran nitong kamatayan. (Ludy Bermudo at Gemma Amargo-Garcia)

Show comments