Hapones kakasuhan ng rape

Nahaharap sa kasong rape ang isang 67-anyos na Hapones na nanghalay umano sa kanyang 15-an­yos na katulong sa Ermita, Maynila, sa ulat kahapon.

Ang suspect na si Na­kamuro Daijo, pansaman­ta­lang nanunuluyan sa #456 Salas St., Ermita ay napiit matapos ipaaresto ng biktimang itinago sa pangalang “Sheena May”.

Naganap ang insidente noong gabi ng Agosto 21 sa bahay ng suspek. Sa pre­sinto, walang ma­­isagot ang suspek kungdi ‘cannot be’ nang ta­nu­ngin siya hing­gil sa alegasyon ng biktima.

Gayunman, umayon sa suspek ang naging re­sulta ng medico legal mula sa Philippine General Hos­pital na nagsasabing ‘ne­ga­tive’ sa penetration ang ari ng biktima o walang na­ganap na panghahalay sa kabila ng akusasyong nai­sakatuparan umano nito.

Tiniyak naman ni Chief Insp. Nits Araullo, hepe ng Women and Children’s Desk ng Manila Police Dis­trict na itutuloy pa rin nila sa piskalya ang pagsa­sampa ng kaso  dahil, alinsunod sa batas, ikinu­kon­­siderang rape ang sim­pleng pagdampi o pagdut­dot lamang ng suspek sa maselang bahagi ng bikti­mang menor-de-edad. (Ludy Bermudo)

Show comments