Mag-ama binoga ng lasing na parak

Patay ang isang 23-anyos na basurero samantalang kriti­kal naman ang kanyang ama nang pagbabarilin sila ng isang lasing na pulis kahapon ng hapon sa Pasay City.

Hindi na umabot pa ng  buhay sa Pasay City General Hospital bunga ng tama ng bala ng kalibre .9mm sa ulo si Ernesto Marcelo Jr., 23, ng 1918 Tramo, F. Victor Sts., na­banggit na lungsod.

Habang isinusulat ang bali­tang ito, ang ama naman ng nasawi na si Ernesto Sr., 54, ay inoobserbahan sa in­tensive care unit ng naturang pagamutan sanhi ng dala­wang tama ng bala sa tiyan.

Ang suspek na kinilalang si PO1 Bimbo Ricafort ng Police Community Precinct 1 ng Parañaque City Police ay agad na tumakas.

Nangangalkal umano ng mapapakinabangang basura sa  Victor St. ang mag-amang Marcelo nang dumating si Rica­fort na lasing na lasing bago dinakip at pinosasan ang nakakabatang biktima. 

Matapos posasan, sinakal ng suspek ang biktima at idinikit sa ulo ang baril at walang sabi-sabing pinapu­tukan at pinasabog ang bungo nito. Nang mabaril ang biktima at duguang bumag­ sak ha­bang naka-posas, itinutok nito ang baril sa ama at pinapu­tukan ng dalawang beses sa tiyan.

Show comments