Lalong nadiin sa ka song kidnapping for ransom si dating Quezon City Congressman at aktor na si Dennis Roldan matapos na ituro ito ng biktimang batang Tsinoy na siya uma nong “big boss” sa pagdukot sa kanya may tatlong taon na ang nakalipas sa Ortigas, Pasig City.
Kahapon ay muling nakaharap ng batang biktima na si Kenshi Yu na ngayon ay anim na taong gulang na at ang kanyang abductors na si Roldan (Mitcheell Gumabao sa tunay na buhay) sa sala ni Judge Rodolfo Bonifacio ng Pasig Regional Trial Court (RTC) Branch 159 sa pagpapatuloy ng ka-song kidnap for ransom na isinampa laban dito kasama ang iba pang akusado.
Noong una ay medyo takot pa ang batang biktima kaya humingi muna ng pahintulot ang abugado nito na kung maari ay samahan siya ng kanyang ama bago ito lumapit at ituro si Roldan at sabihang ito ang big boss sa nasabing pagdukot sa kanya.
Bukod dito, tinawag din ng batang biktima na “bad mommy” ang isa sa mga akusadong si Rowena San Andres, na ayon sa bata ay nagpakain sa kanya ng walang kutsara at tinidor at nagpalaba ng mga damit ng iba pa nilang kasamahang du-mukot dito.
Isinalaysay din ng bata kung paano sila magpa -lipat-lipat ng sasakyan at bahay hanggang sa ma - huli ang mga kidnappers.
Sa panayam naman sa abugado ni Roldan na si Atty. Orlando Salatandre Jr., sinasabi nitong hindi sila nababahala sa salaysay ng bata sa korte dahil ng maganap ang nasa-bing pangingidnap ay 3-anyos lamang ito.
Matatandaang noong Pebrero 9, 2005 ay dinu kot ang batang biktima na noo’y 3-taong gulang pa lamang habang papasok ito sa kanyang eskwela-han sa Ortigas, Pasig City.
Matapos ang dalawang linggong pagpa palipat-lipat ng hideout ay nasaklolohan ang bata ng Police Anti Crime and Emergency Response (PACER) sa kuta ng mga ito sa Cubao, Quezon City.
Samantala kasalu kuyang pansamantalang nakakalaya si Roldan matapos na payagan ng kor-te na makapag-piyansa. (Edwin Balasa)