Tomboy patay sa kapwa tomboy

Patay ang isang tom­boy matapos itong atadu­hin ng saksak ng kapwa niya tomboy, habang kriti­kal naman ang huli na nag­saksak din sa sarili nang mag­talo ang mga ito hing­gil sa kanilang nililigawang babae, kahapon ng mada­ling-araw sa Valenzuela City.

Si Joan Otero, resi­dente ng nasabing lungsod ay namatay habang gina­gamot sa Fatima Medical Center sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa inten­sive care unit (ICU) ng na­sabing pagamutan ang suspect na si Emelita Ber­nabe na nagtamo rin ng saksak sa sikmura mata­pos itong magsaksak sa sarili.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-12:30 ng mada­ling-araw nang mangyari ang nasabing insidente sa loob ng bahay ni Elma Elam, 24, saleslady  at na­ni­nirahan naman sa Ser­vice Road 2nd Floor, Unit 2, Brgy. Paso de Blas ng na­banggit na lungsod na sinasabing kapwa nili­liga­­wan ng biktima at ng suspect.

Nabatid na kauuwi la­mang ni Elam sa kanyang pinapasukang trabaho nang makita nito ang bik­tima at ang suspect na kapwa naghihintay sa kanya upang maghatid sa kanya pauwi ng bahay. Upang hindi na lamang magkaroon ng inggitan ay nagpasya si Elam na kap­wa na lamang magpa­hatid sa dalawang tomboy ngu­nit pagdating ng mga ito sa bahay ng saleslady ay nagkaroon ng iringan ang dalawa.

Ayon pa sa mga saksi, nagkaroon ng tulakan sa pagitan ng dalawa hang­gang sa bunutin ng sus­pect ang patalim nito at pag­sasaksakin ang bik­tima hanggang sa hindi na magawa pang makapalag ang nasawi.

Matapos nito ay ti­nangka rin ng suspect na magpakamatay sa pama­magitan ng pagsasaksak  sa kanyang sarili hang­gang sa makahingi ng tulong si Elam sa kanyang mga kapitbahay na nag­sugod sa dalawa sa na­banggit na pagamutan. Gayunman namatay din ang biktima.

Nabatid naman sa awtoridad na ang suspect ay dating ka-live-in ni Elam at sa hindi mala­mang da­hilan ay nagkahi­walay ang mga ito hang­gang sa pu­masok naman sa eksena ang biktima. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments