Trader sugatan sa holdap

Isang negosyante ang binaril  ng isa sa tatlong holdaper matapos itong manlaban kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Sugatan at ginagamot sa Manila Central Univer­sity Hospital sanhi ng tama ng bala sa kanang balikat ang biktimang  si Peter Siabocion, 38,  ng JVC com­pound sa 201 Gov. Pascual Avenue, Tugatog ng lungsod. Ma­bilis na­mang tumakas at pinagha­hanap ang tatlong suspect.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon, naganap ang in­sidente dakong alas-6:30 ng gabi sa loob ng grocery ng biktima, na matatag­puan sa nabanggit na lugar. Walang kamalay-malay ang biktima nang looban siya ng tatlong suspek at nagdeklara ng holdap. Dahil dito puma­lag ang biktima, kung kaya’t isa sa tatlong suspek ang bumaril sa kanya.

Matapos makulimbat ng mga hol­daper ang gin­tong kuwin­tas ng biktima, mabilis na nagsitakas ang mga ito. (Lordeth Bonilla)

Show comments