Grupo ng mga siga nagsagupa: 2 todas

Dalawa ang nasawi makaraang magbarilan at magtagaan ang dalawang magkalabang grupo ng mga siga sa Payatas, Que­zon City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang mga na­sawi na sina Jovencio Ocencer, 48;  at Joseph delos Santos, 27.  Ares­tado naman ang isa sa mga suspek na na­kilalang si Allan Cardenas, 38.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente da­kong alas-2 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Mondragon St. , Phase II, Lupang Pangako, ng na­turang barangay.

Nabatid sa imbesti­gasyon na nagpang-abot ang dalawang grupo na naghahari-harian sa Pa­yatas kung saan sumiklab ang karahasan. Nabatid na nagkaroon ng barilan at tagaan sa magkalabang grupo kung saan nasawi ang dalawang biktima.

Nagtamo ng tama ng bala sa ulo ang biktimang si Ocencer habang tina­maan naman ng bala sa dibdib ang biktimang si Delos Santos. Agad na­mang nag­sagawa ng fol­low-up opera­tion ang mga tauhan ng QCPD-Station 6 kung saan nadakip si Cardenas.

Narekober ng mga aw­to­ridad sa lugar na pinang­yarihan ng sagupaan ang tatlong basyo at 2 live na bala ng kalibre .45; mga bala ng 9mm pistol at dalawang bala ng shotgun. (Danilo Garcia)

Show comments