Chips sa jeepney

Planong lagyan ng micro-chips ng Metropolitan Manila Development Authority ang lahat ng mga provincial buses pati na ang mga pampasa­he­rong jeep upang maiwasan umanong mag-out of route ang mga ito. Ayon sa MMDA, ang na­­sabing hakbang ay isa umano sa pinakamabisang paraan para lalong maisaayos ang daloy ng trapiko sa mga pa­ngu­nahing lansangan sa Metro Manila.  (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments