Bebot lumutang sa Mla. Bay

Masusing  iniimbes­ti­gahan ng Manila Police District kung may naganap na foul play sa pagkamatay ng isang babae na natagpuang lumulutang sa tubig ng Manila Bay sa Tondo kahapon ng umaga.

Inilarawan ang biktima na tinatayang may edad sa pagitan ng 25-30 anyos, may taas na 5’3 hanggang 5’5, hanggang balikat ang buhok, nakasuot ng itim na t-shirt, itim na pantalon at puting rubber shoes.

Sa report ni Det. Richard Lumbad ng MPD-homicide section, dakong alas-11:30 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa tubig ng Manila Bay sakop ng Purok 4 Isla Puting Bato  sa Tondo. (Grace Amargo-dela Cruz)

Show comments