Obrero pisak ang ulo sa poste

Pisak ang ulo at agad  na nasawi ang isang construction worker matapos na mabagsakan ng gumuhong konkretong poste na ginagamit sa pagtatayo ng gusali kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Eric Enriquez, 27, construction worker ng DMCI Construction at residente ng Purok 5 Sucat, Bagumbayan, Parañaque City.

Dakong ala-1:30 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa ginagawang gusali ng Rosewood Point na nasa likuran lamang ng BCDA Residence, Diego Silang community, Brgy. Ususan, Taguig City.

Napag-alaman na magkatulong na itinatayo ng mga obrero at ng biktima ang malaking poste na gawa sa semento upang ipasak sa malaking butas ng lupa nang biglang gumuho ito.

Nagawa pa umanong makatakbo ng biktima bago pa man tuluyang bumagsak ang poste subalit naputol ang poste hang­gang sa bumagsak sa ulo ng biktima.  (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments