Sekyu dedo sa bus

Patay ang isang security guard makaraang mabundol ito ng rumaragasang pampasa­herong bus at tumilapon ang una ng ilang metro ang layo mula sa sinasakyan nitong bi­sik­leta sa kahabaan ng Os­meña High­way, Magallanes, ka­hapon ng umaga sa Makati City. 

Nakilala ang nasawi na si   Charlito Casimiro, 34, resi­dente ng Sitio Maliwanag Km. 13, Western Bicutan, Ser­vice Road, Taguig City sanhi ng tina­mong grabeng pinsala sa ulo at katawan.

Base sa ulat, dakong alas-7:30 ng umaga nang mangyari ang insidente habang tinatahak ng biktima ang kahabaan ng nasabing lansangan sakay ng kanyang bisikleta patungo sa kanilang tanggapan sa Makati City upang kumuha ng kanyang sahod.

Pagdating umano ng bik­ tima malapit sa flyover ng Ma­galla­nes, tumabi na pakanan ang bi­sikleta subalit paparating naman mula sa tulay ang bus ng Dela Rosa Transit na may plakang TWF-910 galing Ala­bang, Mun­tin­lupa City at ma­bundol nito ang likurang bahagi ng sinasakyan ni Casimiro.

Sa lakas ng pagkakabundol sa biktima ay tumilapon dahilan upang humampas ang kan­yang katawan at ulo sa sementadong kalsada.

Agad namang isinugod ng ilang mga nagmalasakit na motorista ang biktima sa na­banggit na pagamutan, saman­talang agad na tumakas naman ang driver ng bus na nakilala sa pangalang Rolando Ka­ringal. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments